oo0__Cf_AdKz_f0rLyF__0oo
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

GuRlS vS. BoYS

5 posters

Go down

GuRlS vS. BoYS Empty GuRlS vS. BoYS

Post by nerak05 Thu May 07, 2009 9:53 pm

NAKALKAL KO LANG SA BAUL LOLZ!KAKATUWA LNG NYAHAHA!!! lol!

ANG MGA BABAE TALAGA OO Mad❌x
by redrope

*gabe. usapang lalake* cheers
*sindi ng yosi*
*hithit*
*buga*

Musta na, pare? bounce Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Rolling Eyes Rolling Eyes
Nag-iisip. Rolling Eyes
Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Rolling EyesRolling Eyes Ewan ko ba.
*hinga ng malalim*


Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit 'sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.Mad❌x
*tingin sa stars*Like a Star @ heaven
Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal? E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya? Ang feeling ng masaktan pag nabasted? Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang ata
nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo?

*tingin sa malayo*
Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang naghihirap. Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba? Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max. :afraid:
Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang
walang sahod. At ano ang kapalit? Well, depende sa trip nila. Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo. Para lang silang namimili ng dam it na di man lang sinusukat bago ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo. Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong
maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan.
Wala tayong magagawa, marami silang alibi.

"Hindi pa 'ko ready eh..",
"Sorry pero I think we should just be friends..", "Ha? Uhhmm.. nagpapatawa ka ba? Hahahaha.."
"Better luck next time na lang muna, okay lang?", "Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..",
"Para lang kitang kapatid e..", yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa 'yon para saten.

*kuha ng bote ng beer* cheers
*lagok*
*lunok*

At hindi lang 'yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle. Tayo daw ang
mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo. Sila? Ummm? Teka, isipin ko. Ayun. Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang
magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni. Ewan. Ganun ata talaga.

*kuha ng bote ng beer* cheers
*lagok*
*lunok*

Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay. Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.
*hinga ng malalim*
Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e. Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature.Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.
*hinga ng malalim*
*tingin sa malayo ulit*

At ito pa ang pinakamasaklap.
*singhot*

Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong 'to, either sawa na sila, hindi na tayo trip, may nahanap na silang better saten, o kaya they need f*cking space and time muna. Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod. At ano pa ang kasamang hassle don? Syempre wasak na ang imahe naten. Tayo ang lalabas na may kasalanan. Na playboy. Na nagpapaiyak.
*iiling*
Tayo siyempre ang mga antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak. Ang ending: mag-ooffer sila ng "friendship" kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, "player" na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala,
mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog. Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere. Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no? Ako, kamusta? Eto. Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak.
Ang mga babae talaga, oo.
Mad❌x

Ang Mga Lalake Talaga, oo
tugon kay redrope
by xristel


Ano ba itong si redrope?
Kaming mga babae na naman ang nakita. Lalake, agrabyado. Mad Lalake, kinakawawa. affraid Lalake, hindi maintindihan.cheers Hmmp, parang masyado yatang nagisa ang mga kabaro ko. bounce Tungkol sa pagiging patas sa ngalan ng pag-ibig, geek kami naman ang
laging talo a, hindi kayo.lol! Kami ang laging lugi,Mad kami ang laging nawawalan at iniiwan.Sad Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang malandi.bounce Hindi pangseryosohang relasyon.lol! Marinig lang nila na malakas kang magsalita, palengkera ka na. T.O. lol! kagad sa kanila iyon. Mahilig silang tumingin sa mga babaeng sexy manamit, What a Face lol! kulang nalang makita na kaluluwa. Pero kapag babaeng seryosohin at gustong ligawan dapat disente, Mad dapat mala-anghel ang mukha,Mad dapat mukhang inosente.Mad Tapos kami pa raw ang mahilig mamili?Mad:lol!: Parang baliktad yata? Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat pakipot bounce ka para suyuin ka, bounce para habulin ka pa lalo.
Kapag hindi ka naman nagpakipot "easy to get"bounce lol! naman ang tingin sa iyo. Hindi ka na seseryosohin.affraid Sino bang may sabing magpaalila kayo, bounce lol! di naman namin hawak ang buhay niyo.Natural lang na
magtiis kayo,Sleep may gusto kayo sa amin eh. Kapag nakuha niyo na iyon wala na lahat ng mga paghihirap niyo, babaliktad na ang sitwasyon kami naman ang mamromroblema. Mad lol! Para lang kayong may gustong bilhin na bagay. Upang mabili ito kailangan munang magsakripisyo, Rolling Eyes magtipid, Suspect magtiis. bounce Pag nabili na at napagsawaan wala na, lol!
balewala na. Diyan ka na sa tabi-tabi. Tawagan nalang kita pag trip ko o kaya'y pag may gusto akong ipagawa sa iyo. bounce
Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang naloob pa natin yun. Dahil naghirap daw sila sa panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit pa. Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos at laging magsisilbi sa kanya. Ayaw daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang nagmando, aba, masasakal naman. Sasabihin pa sa iyo "demanding"
lol!
ka. Meron ka pang maririnig na "I think we need space" lol! at kung anu-ano pang ek-ek. Sino rin may sabing di dapat kami magpakabait,bounce maging devoted at faithful?Mad Kapag kami ang sumaway niyang mga iyan, iba na ang tingin sa amin. Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at kung anu-ano pang mga bansag ang itatawag sa amin. Kapag kayo gumawa
noon, ok lang. Lalake kayo eh, macho kayo pag ginawa niyo iyon.lol! Kaya kami. Walang magawa. Magpapakaburo at magpapakamadre nalang. Kapag nagloko na kayo ano pa bang magagawa namin? Eh di iiyak nalang. Wala namang ibang magagawa eh. Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand namin. Hindi kami nagdedemand! Karapatan lang namin iyon. Karapatan namin na lambingin niyo kami, icheck at ipakita sa amin na mahal niyo kami. Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa amin. Seryoso rin naman kami ah. At ang maturity wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming
lol!
magmature sa inyo. Ang isang 19 year old na lalake eh, isip 15 pa yun.lol!bounce It follows iyan sa lahat ng age group. Mas mataas pa nga kung minsan ang pagbawas ng level of maturity.affraid Kayo na ang mag-math. Pati yung pag-iyak namin pinupuntirya ni yo. Kesyo drama daw.Sad Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon diyan.Rolling EyesRolling Eyes Ano tingin niyo sa amin mga artista? What a Face Alam niyo iyon? Yun bang kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo,affraid pero hindi ka pa rin papansinin. Sasabihan ka pang tigilan na ang pagdradrama. :lol!:Hindi nila kami maintindihan kapag nagseselos kami.Rolling EyesRolling Eyes Bakit naman kami magseselos kung wala kaming nakikita?lol! Mas iba kaming magmahal. Mas masarap.Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre iwanan blues
na.
Kami pa raw ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang lumalayas kapag may nakita nang bago, sino ba ang mayabang, sino ba ang nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang choice. Kasi ang babae pag sinabing "break na tayo" lambingin lang iyan ng konti balikan blues na iyan. Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka diyan. Kahit


mag-tambling ka pa sa harap niya. Wa-epek. Umiyak ka ng bato. Wa-epek. Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa. :lol!:Post-break up, mahal pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin ni lalaki. Magpapagawa ng kung anu-ano. Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo. Kapag pumangit ka after the break up, magpapasalamat sila na iniwan ka nila. Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan na naging girlfriend ka niya. Sala sa init sala sa lamig talaga. Ano ba namang buhay to? Ang hirap ding maging babae ano. Kala nila laging sila nalang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere. In-love din kami.lol!cheers
Ang mga lalake talaga, oo. Mad Evil or Very Mad


Last edited by nerak05 on Wed May 13, 2009 8:38 pm; edited 3 times in total
nerak05
nerak05

Posts : 68
Join date : 2009-04-30
Age : 38
Location : madrid, spain

Back to top Go down

GuRlS vS. BoYS Empty Re: GuRlS vS. BoYS

Post by _WIN_ Fri May 08, 2009 2:10 pm

whew! ang mga lalake talaga oh! thank you for the post karen.. mga lalake sapol ba kau?!

di kami man-hater... kilala lang namin mga lalake kasi pare-pareho lang sila bwahahahhaa!
_WIN_
_WIN_

Posts : 128
Join date : 2009-04-29
Location : here, there, I'm everywhere!!!

Back to top Go down

GuRlS vS. BoYS Empty Re: GuRlS vS. BoYS

Post by ZANDRAKE_12 Wed May 13, 2009 11:17 am

weeeeee tukaya... amff naduling ako sa kakabasa, but then i found it really interestin...

ahihihi... love wat u post para matauhan na ang lahat..
weeeeeeeeeeeeee....
ZANDRAKE_12
ZANDRAKE_12

Posts : 31
Join date : 2009-04-29
Age : 38
Location : 916california

http://www.zandrakespage.photoshop.com

Back to top Go down

GuRlS vS. BoYS Empty Re: GuRlS vS. BoYS

Post by xPrincex_xfrix Wed May 13, 2009 3:13 pm

nakakatamad magbasa!! Lol!! Razz
xPrincex_xfrix
xPrincex_xfrix

Posts : 23
Join date : 2009-05-04
Location : qc

Back to top Go down

GuRlS vS. BoYS Empty Re: GuRlS vS. BoYS

Post by nerak05 Wed May 13, 2009 7:48 pm

tama tama tama!!!pra matauhannnnnnn dapat matauhan lol!

DHIE basahin mo maganda yan lol!

dapat pla ni edit ko yan pra mg mukang interesting hahaha! kya iilan lng ngBASA amfness!!!TAMAD keo Evil or Very Mad Evil or Very Mad Evil or Very Mad lol!
nerak05
nerak05

Posts : 68
Join date : 2009-04-30
Age : 38
Location : madrid, spain

Back to top Go down

GuRlS vS. BoYS Empty Re: GuRlS vS. BoYS

Post by D_KIND_OF_LUV Thu May 14, 2009 2:06 am

grabe naman to... karennnnn.. amfifi... saka ko na nga babasahin.... madugmok na ang mga lalaking sinasabi ni karen sa post kahit di ko pa nabasa ... nyahahaha...adikkzzz hahaha nagreply muna di pa nababasa lol!
D_KIND_OF_LUV
D_KIND_OF_LUV

Posts : 119
Join date : 2009-04-28
Age : 39
Location : London, England, United Kingdom

http://www.cfadikz4lyf-forum.tk/

Back to top Go down

GuRlS vS. BoYS Empty Re: GuRlS vS. BoYS

Post by nerak05 Thu May 14, 2009 8:41 am

BWAHAHAHHAH SIS LUVVVVVVVVVVV!!!!
nerak05
nerak05

Posts : 68
Join date : 2009-04-30
Age : 38
Location : madrid, spain

Back to top Go down

GuRlS vS. BoYS Empty Re: GuRlS vS. BoYS

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum